Buong Pusong Pilipino: Pagdiriwang ng Buwan ng Wika

by: Kyle Aldwyn D. Iligan

Ang mga guro sa kanilang kasuotang Pilipino.

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ang mga mag-aaral ay binibigyan ng pagkakataon na ipakita ang kanilang mga talento at presentasyon. Sa pamamagitan ng pag presenta, ang mga aktibidad na ito hindi lamang nagpapakita sa temang “Filipino: Wikang Mapagpalaya” Kundi pati na rin nagpapakita sa pag-unawa sa kulturang Pilipino.

Sa iba’t ibang baitang, maraming magagandang presentasyon na itinanghal nila. Ito ay nagpapakita sa kanilang pag unawa sa kulturang Pilipino. Nagpakita sila ng mga talento nila katulad ng pagkanta, pagsasayaw, at iba pang mga talento na ibinahagi nila sa Buwan ng Wika. Ang mga presentasyon na ito ay nagpapakita ng kagalingan ng mga estudyante at sa kanilang pagmamahal sa kultura ng Pilipino. Nag bahagi din sila ng mga pagkaing Pilipino sa bawat baitang. Ang pagpapakita nila ng pagmamahal sa kulturang Pilipino ay nakikita sa mga estudyante sa pamamagitan ng pag presenta nila. 

Ang mga hurado, mga estudyante, at mga magulang sa pagsisimula ng programa.
Ang mga mag-aaral sa pre-elem at elementarya sa kanilang katutubong sayaw

Sa iba’t ibang baitang, maraming magagandang presentasyon na itinanghal nila. Ito ay nagpapakita sa kanilang pag unawa sa kulturang Pilipino. Nagpakita sila ng mga talento nila katulad ng pagkanta, pagsasayaw, at iba pang mga talento na ibinahagi nila sa Buwan ng Wika. Ang mga presentasyon na ito ay nagpapakita ng kagalingan ng mga estudyante at sa kanilang pagmamahal sa kultura ng Pilipino. Nag bahagi din sila ng mga pagkaing Pilipino sa bawat baitang. Ang pagpapakita nila ng pagmamahal sa kulturang Pilipino ay nakikita sa mga estudyante sa pamamagitan ng pag presenta nila. 

Ang mga presentasyon na ito ay hindi lamang naging daan upang maipakita ang talento ng mga mag aaral; ito rin ay isang mahalagang pagkataong upang lumalim ang kaalaman nila sa kulturang Pilipino at sa pagpapahalaga nila rito. Ang mga presentasyon ay tumulong sa mga mag aaral na magkaisa at mag saad ng kooperasyon sa kanilang presentasyon. Ang mga presentasyon ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag aaral na mapabuti pa ang kanilang kasanayan sa pag presenta.

Ang mga mag-aaral sa ika-anim na baitang sa kanilang Teatro Ng Mambabasa
Grade 9 - Faithfulness

Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay hindi lamang isang pagkakataon upang maipakita ang ganda ng wikang Filipino, maaari din na palawakin nito ang ating kaisipan tungkol sa ating wika.

Ang Buwan ng Wika ay isang mahalagang bahagi ng buhay ng mga Pilipino. Ipinapakita nito kung gaano kahalaga ang wika bilang isang paraan upang makipag-usap, ipahayag ang mga damdamin, at ipahayag ang kultura. Ang pagpapanatili ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino ay nangangailangan ng pagkilala at pagrespeto sa ating mga wika.

Grade 7-Love
Grade 10-Goodness